Nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong Southeast Asia.
Ito ay base sa tally ng Johns Hopkins University, isang private research university sa US.
Sa huling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot na sa 5,223 ang tinamaan ng sakit sa Pilipinas kung saan 335 rito ang nasawi at 295 ang naka-recover.
Samantala, pangalawa ang Malaysia na may 4,987 COVID-19 cases, 82 ang nasawi pero mas marami ang gumaling na nasa 2,478.
Sinundan ito ng Indonesia na may 4,839, 459 death cases at 426 recoveries.
Ang Singapore naman ay may 2,918 cases; Thailand, 2,613; at vietnam, 266.
Facebook Comments