Tiniyak ng Estados Unidos na patuloy ang kanilang pagtulong sa Pilipinas sa paglaban sa human trafficking sa bansa.
Ito ay kahit napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 rangking nito sa US Department of State’s 2020 Trafficking in Persons Report.
Nabatid na ito ay isang Anti-Trafficking standards na inilatag ng Amerika.
Batay sa pahayag ng US Embassy, ipagpapatuloy ng Amerika ang pakikipagtulungan nila sa national at local government para maiwasan at maprotektahan ang vulnerable groups mula sa trafficking at iba pang exploitation.
Sinabi naman ng Philippine Embassy sa Washington DC na ang pangunguna ng bansa sa ranking ay nagpapakita lamang na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa lahat ng klase ng human trafficking.
Ito na ang pang-limang sunod na taon ng Pilipinas na nasa Tier 1 ranking.