Pilipinas, nangunguna sa ASEAN sa may mataas na daily COVID-19 vaccinations – Galvez

Nangunguna na ang Pilipinas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na may pinakamataas na bilang ng COVID-19 vaccinations kada araw.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang Pilipinas ay nakakapagsagawa ng 150,000 vaccinations kada araw, nahigitan na nito ang Thailand, Indonesia, Myanmar, at Vietnam.

“Sa ASEAN, ang Philippines na po ang pinaka-highest among the capital five largest ASEAN countries. Ibig sabihin po tayo na po ang pinakamataas mag-inject ng jabs every day,” sabi ni Galvez.


Ang mga lokal na pamahalaan at ang Department of Health (DOH) ay “very systematic” sa pagtuturok ng bakuna.

Target ng pamahalaan na itaas pa ang vaccinations nito sa 500,000 sa ikatlong kwarter ng 2021 at paabutin pa sa 740,000 sa ikaapat na kwarter ng taon para makamit ang herd immunity.

Facebook Comments