Pilipinas, nangunguna sa may pinakamaraming bininyagang Katoliko

Nanguna ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming binibinyagang Kristiyano.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, patuloy na yumayabong ang pananampalatayang kristiyano sa bansa at higit na namunga sa nakalipas na sentenaryo.

Aniya, malaking biyaya ito para sa mga Pilipino na nagsusumikap ipahayag ang pananampalataya sa mga komunidad sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap bunsod ng pandemya.


Batay sa Apostolic Nunciature mula sa Statistical Yearbook of the Church 2020, nasa 1,603,283 na mga bata ang bininyagan sa Pilipinas.

Sinundan ito ng Mexico na may 1,537,710, Brazil na may 1,126,152, at Europa na may 1,533,666.

Facebook Comments