Ipagmalaki ng Philippine Genome Center (PGC) na nangunguna ang Pilipinas sa Southeast Asian na nagbabahagi ng datos sa ibang bansa patungkol sa Coronavirus.
Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Palmes-Saloma, ang Pilipinas ang may pinakamaraming naibigay sa GISAID database na umabot sa 4,293 samples.
Ang GISAID ay isang global initiative na nagbabahagi ng data kaugnay sa genome biosurveillance.
Sabi naman ni Saloma na plano nilang tulungan ang ibang laboratoryo sa Visayas at Mindanao para mapalakas din ang pag-aaral sa genome sequence ng COVID-19 variants.
Facebook Comments