Pinirmahan kahapon nina Finance Secretary Benjamin Diokno at World Bank (WB) Country Director for the Philippines Ndiamé Diop ang apat na loan agreements na nagkakahalaga ng 1.14 bilyong dolyar.
Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) ang inutang na halagang ito ay para panggastos sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno na magpapaangat ng ekonomiya ng bansa.
Maging ang pagpapalakas ng climate resilience, pagkakaroon ng kalidad na edukasyon at pagtulong sa sektor ng agrikultura at fisheries.
Batay pa sa ulat ng PCO, 276 milyong dolyar ay mapupunta sa proyekto ng Department of Agriculture -Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
110 milyong dolyar ang gagastusin para mapaangat ang kalidad ng edukasyon.
Habang 750 milyong dolyar ay para naman sa budgetary support sa ilalim ng Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan (DPL).
Ang signing ng loan agreements ay pinirmahan gamit ang e-signature at magsisimula ang loan agreements sa July 1.