Pilipinas, nanindigang hindi na tatanggap ng second-hand military equipment ng Estados Unidos

Hindi na interesado ang Pilipinas na tumanggap ng donasyong military equipment mula sa Estados Unidos.

Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, kalimitan kasi sa natatanggap na donasyon ay nagagamit lamang ng ilang taon.

Sa halip, magbibigay lamang ang Amerika ng access sa Pilipinas na makabili ng bagong military equipment.


Magugunita noong 2017, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap ang pamahalaan ng tinatawag na excess defense articles.

Facebook Comments