Manila, Philippines – Napanatili ng Pilipinas ang pang-75 pwesto sa mga bansa pagdating sa may makapangyarihang passport sa buong mundo.
Ito ay batay sa pag-aaral ng 2018 henley passport index ranks worldwide mula sa datus ng international air transport association.
Nanguna sa may pinakamakapangyarihang passport ang Singapore at Japan na may visa free access na sa 180 mga bansa.
Pumangalawa rito ang Germany na may visa-free access 179 countries.
Pangatlo ang Denmark, Finland, France, Italy, Sweden, Spain at South Korea na may visa-free access sa 178 mga bansa.
Habang ang Pilipinas ay may visa-free access sa 63 mga bansa.
Kulelat naman sa ranking ang passport ng Afghanistan na may visa-free access lang sa 24 mga bansa.
Facebook Comments