Napili ang Pilipinas na mag-host ng third window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Pebrero 2021.
Ito ang inanunsiyo ng FIBA kung saan mabibigyan ng home advantage ang Gilas Pilipinas sa bubble na itatayo sa Clark, Pampanga.
Magkakasama sa Group A ang Pilipinas, Korea, Indonesia at Thailand kung saan ang mananalong team ay makapapasok sa continental competition sa susunod na taon sa Lebanon.
Matatandaang galing ang Gilas sa matagumpay na kampanya matapos talunin ng dalawang beses ang Thailand sa Manama, Bahrain at may 3-0 win-loss record.
Nakatakdang harapin ng Pilipinas ang Indonesia at Korea sa serye ng laro at kailangan na lang ng isang panalo ng Gilas para tuluyang makapasok sa 2021 FIBA Asia Cup.
Habang ang Group C ay binubuo ng Australia, New Zealand, Guam, at Hong Kong.