Pilipinas, napupusuan ng Japanese investors dahil sa malakas at masiglang ekonomiya

Interesadong palakasin ng mga Japanese investor ang kanilang investments sa Pilipinas sa kabila ng patuloy na pag-angat ng ekonomiya sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Ken Kobayashi, chairman ng Japanese Chamber of Commerce and Industry o JCCI sa media forum sa Maynila panatag at umaangat ang ekonomiya ng Pilipinas kaya’t napupusuan ito ng kanilang mga negosyante.

Tinukoy rin ni Kobayashi ang 8-Point Socioeconomic Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan prayoridad ang social security, human development, investment promotion, digital infrastructure at green economy.


Sa mga prayoridad na ito, sinabi ni Kobayashi na tiyak na tututukan ni Pangulong Marcos ang pagpapalago ng trabaho at oportunidad, kaya’t siguradong lalawak ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Bilang tugon, kinilala ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng patuloy na tulong ng Japan sa Pilipinas sa pagpapalakas ng imprastraktura at sa hamon ng makabagong teknolohiya sa pangdaigdigang ekonomiya.

Bukod sa renewable energy, digitalization at telecommunications, tiniyak din ni Pangulong Marcos na tinututukan ng kanyang administrasyon ang pagpapalakas ng agrikultura at pagresolba sa epekto ng climate change.

Sa kanyang pamumuno bilang Secretary of Agriculture, sinabi ni Pangulong Marcos sa JCCI na nagkaroon na rin mga paunang pagpupulong sa mga Japanese counterparts niya sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments