Nasa ika-27 pwesto na lamang ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakaraming aktibong kaso ng COVID-19.
Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng bilang ng arawang kaso ng COVID-19 sa bansa
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, bumaba ng 35% ang average daily cases na naitala sa buong bansa ngayong linggo kumpara noong nakalipas na linggo.
Habang bumaba na rin sa COVID cases per 1 million population na nasa ika-131 pwesto.
Nasa ika-111 pwesto naman ang Pilipinas sa case fatality rate na nakakuhan ng 1.5% na mababa sa global average na 2.0%.
Facebook Comments