Inihayag ngayon ng Department of Health (DOH) na nasa high-risk classification na ng COVID-19 ang Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa online media forum kung saan nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa huling linggo ng Hulyo at unang linggo ng Agosto.
Bunsod din ito ng pagtaas ng bilang ng kaso ng Delta variant na naitatala sa buong bansa.
Aniya, nasa Alert Level 4 na rin ang sampung lungsod sa Metro Manila dahil sa pagdami ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon pa kay Vergeire, lahat ng lungsod sa rehiyon sa bansa ay mayroon na rin lokal na kaso ng Delta variant.
Nasa 10 na ang naitatalang nasawi sa Delta variant ng COVID-19 habang nasa 450 na ang kabuuang bilang ng Delta cases sa bansa.
Sa nasabing bilang, 355 ang naitalang lokal na kaso, 69 ang Returning Overseas Filipinos (ROFs) habang 26 ang bineberipika pa hanggang sa ngayon ng DOH.