Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa high risk na ng COVID-19 ang bansa.
Sa harap ito ng biglang pagtaas na naman ng kaso ng infection sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inabisuhan na rin nila ang mga ospital na maghanda sa lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.
Partikular ang pagdagdag ng mga kama at ang pag-imbak ng mga gamot.
Nilinaw naman ni Infectious Diseases Specialist Dr. Edsel Salvaña na mas delikado pa rin ang Delta variant kaysa sa Omicron variant pero hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko.
Ayon kay Dr. Salvaña, maaaring makahawa ang Omicron variant sa loob ng 30 oras kaya mahalagang mag-isolate agad kapag na-expose sa COVID positive.
Hindi naman masabi pa ni Dr. Salvaña kung may pagkakapareho ang sintomas ng Delta variant at Omicron variant.
Ito ay dahil sa may mga COVID positive ngayon ang hindi nawawalan ng panlasa at pang-amoy.