Naitala sa ika-24 na pwesto ang Pilipinas na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hanggang kahapon ay nasa ika-30 ang Pilipinas sa may mga aktibong kaso, ika-132 pwesto sa may mga kaso kada 100,000 na populasyon at ika-87 pwesto sa mga nasawi dahil sa COVID-19.
Nananatili naman sa ika-6 na pwesto ang Pilipinas sa buong Southeast Asia sa may mga pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Nangunguna pa rin ang Indonesia (558,392), Thailand (178,270), Malaysia (175,113), Vietnam (92,732) at Myanmar (77,895).
Facebook Comments