Pilipinas, nasa low risk na ng banta ng COVID-19 – DOH

Ibinaba na ngayon sa low-risk ang Pilipinas sa banta ng COVID-19.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Health ngayong Huwebes matapos na bumaba na ang growth rate at Average Daily Attack Rate (ADAR) ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, nasa 5.2 na lamang ngayon ang ADAR kung kaya’t pwede na tayong ilagay sa low risk.


Pero sa kabila nito, sinabi ni De Guzman na apat na rehiyon pa sa bansa ang mataas pa rin ang ADAR.

Batay sa datos ng DOH, bumaba sa -9 percent ang growth rate ng kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas nitong Hunyo 13 hanggang 26 mula sa 15 percent na naitala noong Mayo 30 hanggang Hunyo 12.

Facebook Comments