Dumating na sa bansa kagabi ang unang batch ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility.
Alas-7:10 ng gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines.
Ang mga bakuna ay gawa sa South Korea ay donasyon ng Germany, European Union, Norway, France, Italy, Spain, The Netherlands, Sweden, Denmark, Belgium, Austria, at Greece.
Agad na idinala ang mga bakuna sa Metropac sa Marikina.
Ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ay nakatakdang maglabas ng pinal na priority list para sa nasabing batch ng mga bakuna.
Sa ngayon, ang kabuoang bilang ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas ay umakyat na sa 1,087,200.
Facebook Comments