Pilipinas, pang-80 sa world’s most powerful passport

Pasok sa ika-80 pwesto ang Pilipinas sa listahan ng may pinakamakapangyarihang pasaporte sa mundo.

Ayon sa 2019 Henley Passport Index, ranked 80th ang Pilipinas, anim na puntos na mababa kumpara sa 74th place noong nakaraang taon.

Ang Japan ay nananatiling may “world’s strongest passport” na may vise-free access sa 189 na bansa.


Tabla sa ikalawang pwesto ang Finland, Germany at South Korea kung saan ang mga passport holders nito ay pinapayagang makabisita sa 187 destinations visa-free.

Nakuha ng Denmark, Italy at Luxembourg ang ikatlong pwesto na may access sa 188 destinations visa-free.

Itinuturing na ‘weak passport’ matapos malugmok sa ika-109 na pwesto ang Afghanistan o na may visa-free access sa 25 bansa lamang.

Facebook Comments