Pilipinas, pang-labing isa sa mga bansang pinakadelikadong lugar para sa mga turista

Manila, Philippines – Pang-labing isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakadelikadong lugar para sa mga turista.

Ito ay batay sa ulat ng 2017 travel and tourism competitiveness report of the world economic forum.

Nasa ika-126 pwesto naman ang Pilipinas sa mga lugar na sinisigurado ang seguridad para sa mga turista.


Nabatid na inilabas ang report bago pa mangyari pag-atake sa Resorts Word Manila.

Pasok naman sa 10 most dangerous countries in the world ang Colombia, Yemen, El Salvador, Pakistan, Nigeria, Venezuela, Egypt, Kenya, Honduras at Ukraine.
DZXL558

Facebook Comments