Nasungkit ng pilipinas ang ika-60 pwesto sa listahan ng pinakamasayang bansa sa buong mundo ayon sa 2022 World Happines Report.
Nakuha ng Pilipinas ang 5,904 puntos ngayong taon dahilan para umangat ng isang baitang kumpara sa ika-61 pwesto nito noong 2021.
Ayon pa sa ulat, pangalawa ang Pilipinas sa pinakamasayang bansa sa buong timog-silangang asya kung saan nanguna naman ang bansang Singapore.
Samantala, nakuha muli ng Finland sa limang magkakasunod na taon ang titulong happiest country in the world habang nangulelat ang Afghanistan sa listahan.
Ang world happiness report ay sinusukat ang happiness ng 146 bansa base sa iba’t-ibang aspeto tulad ng gross domestic product per capita, social support, healthy life expectancy, personal na kalayaan at persepyon sa korapsyon.