Pilipinas, pangatlo na sa ASEAN sa pinakamaraming bilang ng mga nababakunahan

Nasa ikatlong pwesto na ang Pilipinas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations pagdating sa bilang ng COVID-19 vaccines na nagagamit.

Ito ay batay sa Bloomberg data at reports mula sa Foreign Service Post mula nitong April 14.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nakapagturok na ang Pilipinas ng 1,477,757 vaccine doses.


Nasa 1,279,223 ang nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccine, kung saan 965,960 health workers na ang nabakunahan.

Aabot naman sa 132,948 senior citizens at 180,315 persons with comorbidities ang nakatanggap ng first shot.

Nangunguna ang Singapore na may 1.6 million jabs habang pangalawa ang Indonesia na nasa 15.8 million shots.

Sa buong mundo, pang-41 ang Pilipinas pagdating sa sa vaccine rollout.

Facebook Comments