Pilipinas, pangatlo sa ASEAN countries pagdating sa vaccination rollout

Pumapangatlo ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN countries pagdating sa vaccination rollout ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health – Vaccine Cluster Head Dr. Myrna Cabotaje, nangunguna pa rin sa vaccination rollout ang Singapore na sinundan ng Indonesia.

Aniya, sa 1,456,793 na nabigyan na ng bakuna sa bansa, 1,264,811 dito ang nabigyan ng unang dose habang 191,982 naman ang nakakumpleto na ng ikalawang dose.


Paliwanag pa ni Cabotaje, nasa 36% na bakuna ang naibigay sa healthcare workers habang 10% sa senior citizens at 14% sa mga indibidwal na may comorbidities.

Ito ay mula sa 3,155 vaccination sites na nagsagawa ng pagbabakuna.

Samantala, nasa 3,025,00 bakuna na ang nai-deliver sa buong bansa at dahil sa limitadong suplay, ang COVID-19 prioritization framework ang ipinatutupad para maprotektahan ang mga nasa “risk” at “most vulnerable”.

Facebook Comments