Top 3 ang Pilipinas sa outbreak ng typhoid fever sa Asya.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Dr. Rontgene Solante na ang India ang una sa listahan na may maraming kaso ng typhoid fever kada taon at pumapangalawa naman ang Indonesia.
Ayon kay Solante, ang typhoid fever ay isang organism na dala ng isang tao na hindi malinis sa katawan o hindi naghuhugas ng kamay kaya ito nalilipat o naisasalin sa tubig o pagkain.
Dapat aniyang malinis sa katawan para makaiwas sa ganitong sakit lalo na kung naghahanda ng pagkain.
Importante ring hindi exposed ang pagkain para hindi makontaminado.
Makabubuti ayon kay Solante kung sariling luto na lamang ng pagkain pero kung hindi maiiwasang bumili sa labas ay siguruhing naihanda ito nang maayos.
Facebook Comments