Pilipinas, panghuli sa pinakaligtas na bansa sa buong mundo

Nangulelat ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakaligtas na bansa sa buong bundo.

Batay sa tala ng isang international business magazine, panghuli ang Pilipinas sa kabuuang 134 na mga bansang naglaban-laban.

Ilan sa mga naging basehan ay ang war and peace, personal security, natural disaster risk kasama na ang naging epekto ng COVID-19.


Nakakuha ng score na 14.8899 sa Global Finance Safety Index ang Pilipinas na mas malaki kaysa sa 3.9724 na nakuha ng Iceland na nasa unang pwesto.

Maliban dito, kasama rin sa listahan ang United Arab Emirates, Qatar, Singapore, Finland, Mongolia, Norway, Denmark at iba pa.

Facebook Comments