Pilipinas, panglima na lamang sa mga bansa sa Southeast Asia na may mataas na kaso ng COVID-19

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Duque, panglima na lamang ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.

Malaki aniya ang tulong ng pagbabakuna lalo na sa Metro Manila na sentro ng pagkalat ng COVID-19.


Kinumpirma ng kalihim na mas mataas ang mga kaso ng COVID-19 ngayon sa Thailand, Vietnam at Malaysia.

Ayon kay Duque, ito rin ang dahilan kaya’t maingat sila sa pagluluwag at sa pag-aalis ng patakaran sa pagsusuot ng face shields lalo na sa mga siksikan at kulob na lugar.

Facebook Comments