Pilipinas, pangungunahan ang International Conference on Women, Peace, and Security ngayong Oktubre

Magiging host country ang Pilipinas sa International Conference on Women, Peace and Security 2024.

Ang ministerial level conference ay gaganapin sa October 28, 2024 hanggang October 30, 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Isusulong dito ang United Nations Security Council Resolution 1325 kung saan maibabahagi ang mga karanasan, expertise, at best practices sa pagtugon ng mga babae sa iba’t ibang hamon sa kanilang partisipasyon sa peacebuilding, proteksyon ng karapatan sa panahon, at pagkatapos ng conflicts o giyera, pag-iwas sa gulo, at iba pang pangangailangan sa panahon ng repatriation at resettlement.


Inaasahang magsasama-sama ang mga kababaihan na nagsisilbing peacemakers at mga stakeholder mula sa Asya, Middle East, Africa, at iba pang rehiyon.

Target din nitong palakasin ang nagkakaisang layunin ng kababaihan na maging instrumento para sa pagkamit ng kapayapaan at seguridad.

Facebook Comments