Pilipinas, pasok na sa top ASEAN countries na nagbibigay ng sapat na maternity leave

Naniniwala ang Kamara na nakamit ng bansa ang itinatakda ng International Labor Organization (ILO) matapos na maisabatas ang Expanded Maternity Leave Law.

Sa ilalim ng ILO, itinatakda ang 14 weeks o 98 araw na maternity leave para sa mga inang nagtatrabaho para mabigyan ng sapat na oras ang mga sanggol at makapagpahinga at maka-recover ang mga ito sa panganganak.

Mula sa pinakamababa sa listahan ay magiging kabilang na ang bansa sa top ASEAN countries na nagbibigay ng sapat na maternity leave para sa mga kababaihan.


Pinakamahabang maternity leave ay sa Vietnam na may 180 days, pumangalawa ang Singapore na may 112 days at sinundan ng mga bansang Brunei, Laos at Pilipinas na may 105 days maternity leave.

Kasama din sa listahan ang Myanmar at Thailand na may 98 days gayundin ang Cambodia, Malaysia at Indonesia na may 90 days maternity leave.

Dagdag pa dito, pinakamagandang regalo ito sa mga working moms ngayong gugunitain ang International Women’s Month sa Marso.

Facebook Comments