Pilipinas, pasok sa 2018 military strength ranking ng Global Firepower

Manila, Philippines – Pumasok ang Pilipinas sa pang-52 pwesto mula sa 136 na mga bansa sa 2018 military strength ranking.

Ang ranking ay ginawa ng Global Firepower at ikinunsidera ang mahigit 55 individual factors para matukoy ang kakayahan ng militar ng isang bansa.

Kabilang sa mga ikino-konsidera sa ranking ang manpower at financial stability ng mga bansa.


Sa pagiging number 52 ng Pilipinas, nakasaad na ang bansa ay mayroong 498,250 na total military personnel, 172,500 dito ang active personnel at 325,750 ang reserve personnel.

Nakasaad din na sa 158 na total aicraft strength ng Pilipinas, 20 dito ay attrack aircraft, 85 ang transport aircraft, 24 ang trainer aircraft at 91 ang helicopter strength.

Habang wala namang fighter at helicopter aircrafts ang bansa.

Nangunguna naman sa military strength ranking ang Estados Unidos at sumusunod lang ang Russia, China, India, France, UK, South Korea, Japan, Turkey at Germany.

Facebook Comments