Pilipinas, pasok sa best places in the world to live and work

Pasok ang Pilipinas sa listahan ng best places in the world para mamuhay at magtrabaho.

Base sa Forbes article kung saan binanggit ang 2019 HSBC Expat’s Annual Survey, ang Pilipinas ay 24th best place to live and work, umangat ng dalawang pwesto mula sa 26th place noong nakaraang taon.

Itinuturing ito ng Forbes ang Pilipinas na high ranking sa kabila ng karahasan sa ilalim ng giyera kontra droga ng pamahalaan.


Lumabas din sa report na ang Pilipinas ay nagiging isa sa mga sikat na expat destinations sa Southeast Asia, bunsod na rin ng tropical climate nito at tumatatag na ekonomiya.

Ang Estados Unidos ay nasa ika-23 pwesto habang ang China ay nasa pang-26.

Ang survey ay isinagawa sa 18,000 expats sa 163 markets.

Ginamit sa survey ang tatlong major metrics: living, career opportunity at family life.

Facebook Comments