MANILA – Nakuha ng Pilipinas ang ika-82 pwesto sa pinakamasasayang bansa sa buong mundo.Ayon sa World Happiness Report Update 2016, mula sa 156 na bansa sa mundo, pasok sa Top 10 ang Switzerland, Iceland, Denmark, Norway, Finland, Canada, The Netherlands, New Zealand, Australia at Sweden.Sa mga kapitbahay namang bansa ng Pilipinas, nakuha ng Hong Kong ang ika-75 pwesto, Malaysia ika–47, habang ang Singapore naman ang may pinakamataas na pwesto sa buong Asya matapos na makuha ang ika-22 puwesto.Bumagsak naman ang lebel ng kaligayahan sa mga bansang makapangyarihan tulad ng United Kingdom (23rd), Japan (53rd), Russia (56th) at China (83rd).Kabilang sa naging sukatan sa ginawang pag-aaral ay ang mahabang life expectancy, tinatanggap na social support, kalayaan sa pagpili, mababang persepsyon sa korupsyon, mataas na Gross Domestic Product (GDP) at iba pa.
Pilipinas, Pasok Sa Listahan Ng Top 100 Ng Pinakamasayang Mga Bansa Sa Buong Mundo
Facebook Comments