
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na kabilang ang Pilipinas sa 39 UN Member States na kasama sa “2026 UN Honor Roll”
Ito ay dahil sa regular na pagbabayad ng Pilipinas ng kontribusyon sa United Nations kung saan naaayon ito sa takdang panahon at buo ang bayad ng Pilipinas.
Nangangahulugan ito na nakakasunod ang Pilipinas sa UN Financial Rules and Regulation.
Ayon sa DFA, ito ay patunay rin na seryoso ang Pilipinas sa commitment nito sa United Nations at sa multilateralism.
Inihayag pa ng DFA na layon ng maagap na pagbibigay ng kontribusyon ng Pilipinas sa UN na makatulong sa mga misyon ng United Nations tulad ng pagsusulong sa kapayapaan at seguridad, karapatang pantao at
sustainable development.
Facebook Comments










