Patuloy ang pagpopreso ng goyberno upang makuha ang 1.9 bilyong pisong deposit ng bansa sa pagbayad ng MI-17 helicopters mula Russia.
Pahayag ito ni Defense Senior Undersecretary at officer-in-charge Jose Faustino Jr. kasunod ng follow-up ni Senator Bato Dela Rosa kaungay sa naturang advance payment.
Ayon kay Faustino, patuloy ang proseso sa pag-terminate ng kontrata sa naturang deal batay na rin sa guidelines of termination sa ilalim ng RA 9184 o Government Procurement Reform Act.
Mababatid na hindi na isinulong ng Duterte administration ang pagbili sa 16 na Russian helicopters kasunod ng bantang ipapataw na parusa sa mga bansang bibili ng armas sa Russia.
Facebook Comments