Manila, Philippines – Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang bansa dahil sa Low Pressure Area ayon sa PAGASA.
Sabi ng weather bureau, huling nakita ang naturang LPA sa 245 kilometers east southeast of Hinatuan, Surigao Del Sur.
Makakaranas naman ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa; ilang bahagi ng Mindanao at Visayas kasama na ang Aurora province.
Maliit naman ang tyansang maging bagyo ang nasabing LPA ayon sa PAGASA.
Pero posibleng lumakas ito anila kapag nasa West Philippine Sea na ito.
Facebook Comments