Pilipinas, patuloy na nangunguna sa ikatlong araw ng Sea Games

Patuloy ang pamamayagpag ng Pilipinas sa ikatlong araw ng kompetisyon sa 30th Southeast Asian Games.

Inumpisahan ito ni Agatha Wong na nakapag-uwi ng kanyang ikalawang gintong medalya sa Wushu.

Sinundan pa ito nina Sanda Fighters na Sina Divine Wally (Women’s 48kg), Jesse Aligaga (Men’s 48kg), Arnel Mandal (Men’s 52kg), Francisco Solis (Men’s 56kg), at Celemente Tagubara Jr. (Men’s 65kg) na nakasungkit din ng Gold Medal.


Ang galing ng mga Pilipino sa Arnis ay patuloy na naipapamalas matapos magdomina sina Crisamuel Delfin sa Non-Traditional Men’s anyo at si Mary Allin Aldeguer sa Women’s Division.

Muling napa-‘wow’ ang lahat kay Carlos Yulo nang makamit ang ikalawang Gintong Medalya sa Artistic Gymnastics.

Sa kabila ng mga tagumpay, may mga hindi pinalad na makamit ang Gintong Medalya.

Abot kamay na sana ni Elreen Ann Ando ang Gold Medal sa Women’s 65kg Weightlifting matapos magkaroon ng kalituhan.

Silver Medal naman ang nakuha ni Christian Concepcion sa Fencing.

Naiuwi naman ni Robert Andrew Garcia ang Silver sa Men’s Individual Squash.

Pinayuko naman ng Vietnam ang Philippine Women’s Volleyball Team.

Bagamat nakansela ang ilang laro dahil sa Bagyong Tisoy, hindi ito nakaapekto sa pagpupursige ng mga Pilipinong atleta kung saan umabot na sa kabuoang 47-Gold, 26-Silver, at 16 Bronze ang kanilang naihakot.

Facebook Comments