Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagkuha ng mga antiviral at bakuna laban sa Monkeypox virus.
Batay sa DOH, ang bakuna kontra Monkeypox ay hindi pa kasama sa National Immunization Program ng Pilipinas.
Anila, tinitignan nila ang lahat para sa angkop na legal na pamamaraan para sa pagkuha ng bakuna laban sa Monkeypox.
Sinabi pa ng kagawaran na mayroon ng bakuna laban dito pero hindi pa available.
Kailangan din anilang magsagawa ng mga konsultasyon at pagsusuri kasama ng mga eksperto, development partners at priority population groups para sa pagbabakuna nito.
Ang Monkeypox virus ay nakukuha sa pamamagitan ng close contact sa sugat, bodily fluids o respiratory droplets mula sa tao, hayop, o mga kontaminadong bagay.
Facebook Comments