Pinayuhan ng isang health expert ang pamahalaan na humingi ng tulong sa ibang mga bansa para mapabilis ang genome sequencing sa harap ng banta ng Delta variant.
Ayon kay dating National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Tony Leachon, noon pa man ay naglalabasan na ang iba’t ibang variant ng COVID-19 kaya dapat ay napaghandaan na ito ng gobyerno.
Pero dahil wala nang panahon para pondohan ito ngayon, iminungkahi ni leachon na humingi ng tulong sa mga bansang may malawak na kakayahan sa genomic surveillance gaya ng Israel, Japan, Singapore at South Korea.
Bukod sa kulang na kakayahang magsagawa ng genome sequencing, nakikita ring rason ni Leachon kung bakit posibleng ‘underreported’ ang mga kaso ng Delta variant sa bansa ay ang mahinang contact tracing.