Pilipinas, planong gawing center of excellence sa AI

Plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na gawing ‘center of excellence’ sa artificial intelligence (AI) ang Pilipinas.

Sa pagdinig ng Senado sa pondo ng DTI para sa susunod na taon, napuna ni Senate President pro tempore Loren Legarda ang mga programa ng kagawaran na walang pondo sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) kasama na rito ang Center for Artificial Intelligence Research (CAIR).

Ayon kay Trade Usec. Rafaelita Aldaba, sa loob ng dalawang taon ay P200 million ang hinihingi nilang pondo para rito pero hindi napagbibigyan.


Aniya ito ay isang physical center na kung saan dito magsasagawa ang mga data scientists, researchers at engineers ng AI research at development.

Layunin ng mga gagawing pag-aaral na suportahan ang pangangailangan ng mga industriya kabilang ang micro, small and medium enterprises (MSMEs), start-ups, large companies at multinational industries.

Iginiit naman ni Legarda na dapat ay tuluy-tuloy ang AI workshops, capacity building at research kahit wala pa ang mismong imprastraktura para sa AI research.

Hirit naman ni Aldaba na kailangan pa rin nila ng pondo para sa pagbili ng mga super computers at pag-hire ng mga kinakailangang tauhan.

Facebook Comments