Pilipinas, pormal nang naghain sa UN ng entitlement para sa Extended Continental Shelf sa WPS

Courtesy: Department of Foreign Affairs

Pormal nang hiniling ng Pilipinas sa United Nations na palawigin ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea kasunod ng mga panggigipit ng China sa mga mangingisdang Pinoy.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Marshall Louis Alferez, nagsumite ang Philippine Mission to the United Nations sa New York nitong Hunyo 15 para irehistro ang karapatan ng bansa sa isang Extended Continental Shelf (Ecs) sa West Palawan Region sa WPS.

Layon aniya nitong matiyak ang soberanya at maritime jurisdiction ng Pilipinas sa WPS sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


Maliban dito, ipinagbibigay alam din nito ang karapatan ng bansa na ma-explore ang natural resources ng ECS entitlement.

Nabatid na ito na ang ikalawang beses na hiniling ng Pilipinas sa UN na palawigin pa ang hangganan nito sa WPS.

Facebook Comments