Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maabot pa rin ng bansa ang target na maging upper middle income country sa taong 2024.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, posible ito kung magagawang maabot ang 6.5 hanggang 7.5 percent na growth rate ngayong 2022.
Dagdag pa ni Balisacan, kung mapapanatili ang economic growth ay maaabot ng bansa ang minimum gross national income na 4,250 dollar sa 2024, na pasok sa standard ng World Bank para sa isang upper-middle-income country.
Para naman makamit ito, sisikapin aniya ng pamahalaan na i-angat ang economic performance ng bansa sa pamamagitan ng comprehensive 8-point economic agenda.
Umaasa naman si Balisacan na matutugunan nito ang mga pangunahing problema ng bansa, partikular ang mataas na presyo ng bilihin at dagdag na trabaho.