Pilipinas, posibleng hindi maabot ang 2019 economic growth target

Posibleng umabot lamang ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa 5.8% ngayong 2019 ayon sa world bank.

Ito ay dahil pa rin sa patuloy na pagbaba ng export at manufacturing activity sa silangang Asya dahil sa pagbaba ng pandaigdigang demand kasunod ng nangyayaring trade war sa pagitan ng US at China.

Bunsod nito ay posibleng hindi maabot ng bansa ang target na 6-7 porsyento na paglago ng ekonomiya.


Matatandaang nagkaroon ng budget delay sa unang mga buwan ng taon kaya at pumalo lamang sa 5 porsyento ang paglago ng GDP.

Samantala, inaasahan naman na makakamit na ng bansa ang target na 6.1 porsyentong paglago sa ekonomiya sa susunod na taon kung hindi magkakaroon ng delay sa pagpapasa ng budget.

Facebook Comments