Pilipinas, posibleng hindi makakapagpadala ng delegasyon sa 2021 Southeast Asian Games

Posibleng hindi makapagpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay kung magpatuloy na lumala ang sitwasyon sa COVID-19 pandemic.

Ang Team Pilipinas ang defending champion matapos na mag-host ang bansa noong 2019.


Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez na siya ring Chef de Mission ng Philippine team sa SEA Games, isa sa pinag-aaralan nilang hakbang ay ang hindi pagpapadala ng mga Pinoy athletes dahil kaligtasan pa rin ang kanilang prayoridad.

Umaasa naman si Fernandez na matutuloy ang Tokyo Olympics dahil ito ang edisyon na may pinakamalakas na tsansa ang Pilipinas na makasikwat ng gintong medalya kung saan walo na ang Pinoy athletes na makakapaglaro na kinabibilangan nina Pole Vaulter Ej obiena, Artistic Gymnast Carlos Yulo, at apat na boxers na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at si 2019 AIBA Women’s Boxing World Champion Nesthy Petecio.

Facebook Comments