Maaaring hindi na magpatupad ang pamahalaaan ng Alert Level System pagsapit ng Marso o Abril.
Ayon kay Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion, nasanay na ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan.
Aniya, pabagsak na rin ang level of infection na dulot ng Omicron variant ng COVID-19.
Giit pa ni Concepcion, kakayanin na ng bansa kung tatanggalin na ang Alert Level System basta’t tuloy-tuloy lang ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocol at gawing walang patid ang pagbabakuna.
Facebook Comments