Pilipinas, posibleng ibalik sa mas istriktong quarantine measures kung aabot sa 4,000 ang kaso ng COVID-19 kada araw

Posibleng ibalik sa mas istriktong quarantine measures ang Pilipinas kung makakapagtala ng aabot sa 4,000 kaso ng COVID-19 kada araw.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians, nagkasundo ang mga grupo ng doctor, Department of Health at OCTA Research team na posibleng pumalo sa apat na libong kaso ang maitatala bawat araw.

Nakabase ito sa pagdami ng tao na lumalabas sa kanilang tahanan na hindi sumusunod sa health protocols at physical distancing.


Sa ngayon, kabilang pa rin ang Metro Manila, Batangas, Iloilo, Tacloban, Iligan Lanao del Sur, Davao City at Isabela sa mga lugar sa bansa na nananatili sa General Community Quarantine (GCQ).

Habang umabot na sa 467,601 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 430,791 ang nakarekober at 9,062 ang mga nasawi.

Facebook Comments