Pilipinas, posibleng isa sa mga bansang makakakuha ng may pinakamataas na paglago sa ekonomiya sa mga susunod na taon —PBBM

Nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isa ang Pilipinas sa makakakuha ng pinakamataas na growth rate o paglago ng ekonomiya sa mga susunod na taon.

Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin pa ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga nararanasan nitong hamon.

Mahalaga aniya ang ganitong mga projection lalo’t nagsisikap ang pamahalaan na bumangon mula sa epekto ng tagtuyot kasabay ng paghahanda sa paparating na tag-ulan.


Dagdag pa ng pangulo, sa kasalukuyan ay nasa 3.5% ang inflation rate ng bansa.

Pasok aniya ito sa target na 2% hanggang 4% na inflation rate ng pamahalaan kasabay ng pagsisikap na mapanatili ang inflation sa manageable level.

Facebook Comments