Posibleng sumipa sa apat na milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa bago matapos ang 2021.
Ito ang inihayag ng UP Pandemic Response Team matapos na makapagtala kahapon ang Department of Health ng record high na higit 22,000 na bagong kaso.
Ayon kay Prof. Jomar Rabajante, hindi rin malabo na maabot ng bansa ang overcapacity kung patuloy pang tataas ang kaso sa katapusan ng taon.
Samantala, sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Group sa interview ng RMN Manila na inaasahan na talaga ang pagdami pa ng COVID-19 cases na naiitala kada araw.
Paliwanag ni Rye, kahit noong umiiral naman kasi ang ecq ay marami pa rin ang nakakalabas ng mga bahay.
Bukod sa mga pasaway, malaking epekto din ayon kay Rye ang mas nakakahawang delta variant sa paglobo ng mga COVID-19 cases.