Posible maging epicenter ng COVID-19 pandemic sa Southeast Asia ang Pilipinas kung hindi mapipigilan ang paglobo ng kaso.
Ayon kay sa health advocate at dating special adviser ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na si Dr. Tony Leachon, nasa “perfect storm” na ang bansa dahil maliban sa dumaraming kaso, mahina pa ang COVID-response sa bansa.
Posible namang mag-collapse na ang healthcare system ng bansa kung hindi mako-kontrol ang pagtaas ng positivity rate.
Dagdag din ang isyung bumabalot sa Department of Health kaugnay ng P67 bilyong fund deficiency.
Itinuturing naman na Leachon na hindi nalalayo na matulad ang Pilipinas sa kinasapitan noon ng Indonesia at India.
Facebook Comments