Pilipinas, posibleng maging exporter ng dekalidad na marijuana

Naniniwala si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na maaring maging exporter ng dekalidad na marijuana ang Pilipinas kung gagawin itong legal sa bansa.

Dagdag pa ni Alvarez, kung papayagan ang mga magsasaka na magtanim ng marijuana ay baka ito na ang solusyon sa “rice smuggling.”

Sinabi ito ni Alvarez sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamununuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ukol sa panukalang alisin ang marijuana sa listahan ng mga dangerous drugs.


Kaugnay nito ay inaprubahan naman ni Congressman Barbers ang mosyon na ipadala ang panukala ni Alvarez sa technical working group na tumatalakay sa mga panukala na amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments