Pilipinas, posibleng magpadala muli ng OFWs sa bansang Libya

Nabuhay muli ang pag-asa na makapagpadala ang Pilipinas ng mga manggagawang Pilipino sa bansang Libya.

Kasunod ito ng matagumpay na congressional mission sa Libya na pinangunahan ni Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN Party-list Representative Ron Salo.

Ayon kay Salo, bumuti na ang sitwasyon ng seguridad sa rehiyon at naging “stable” na ang working environment para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).


Binanggit ni Salo na tinalakay sa kanilang diplomatic visit sa Libya ang pagresolba sa mga isyu ng hindi nababayarang sahod ng Filipino nurses, agwat sa kompensasyon kumpara sa ibang nationalities at employee-covered fees.

Dagdag pa ni Salo, pinahahalagahan ang Filipino professionals sa Libya lalo na ang mga nurse at teacher hindi lamang dahil sa kaalaman kundi sa kanilang dedikasyon at abilidad na i-angat ang mga komunidad na pinaglilingkuran.

Facebook Comments