Pilipinas, posibleng magpatupad na rin ng travel ban sa Indonesia

Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang posibleng pagpapatupad ng travel ban sa Indonesia.

Sa harap pa rin ito ng banta ng Delta variant ng COVID-19 kung saan marami nang bansa ang may kaso nito.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang planong ito ay masusing pinag-aaralan ngayon ng Technical Advisory Group ng pamahalaan.


Una nang pinalawig ng Pilipinas ang pagpapatupad ng travel ban sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, Oman, Nepal at Bangladesh dahil sa Delta variant.

Facebook Comments