Maaaring humatong sa seryosong suliranin ang Pilipinas kapag pumalo sa milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na aabot na sa 500,000 ang kaso sa bansa at patuloy pa rin itong tumataas.
Umaasa ang Pangulo na hindi na umabot pa sa milyon ang kaso.
Binanggit din ni Pangulong Duterte ang posibilidad ng pagpapatupad ng “draconian measures” tulad ng pagpwersa sa mga tao na manatili sa kanilang mga bahay.
Pero aminado ang Pangulo na malaki ang naging epekto ng movement restrictions sa ekonomiya at kabuhayan ng mga tao.
Kaya aniyang punan ng gobyerno ang araw-araw na pangangailangan ng mga mahihirap pero maaaring mapatay muli ang ekonomiya dahil sa mahigpit na stay-at-home rule.
Pagtitiyak ni Pangulong Duterte na darating na ang bakuna sa bansa pero kailangan pa ring sundin ang health protocols.