Pilipinas, posibleng makakuha ng 20 million vaccine doses sa ikalawang kwarter ng 2021

Inaasahang makararating sa bansa sa ikalawang kwarter ng taon ang karagdagang 20 million doses ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga paparating na supply ay mula sa AstraZeneca, Novavax, Sinovac at COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Sa pagitan ng Abril hanggang Hunyo aniya ay maipapadala na sa bansa ang karagdagang vaccine supply.


Binigyang diin din ni Galvez na ang mga nabanggit na vaccine brands ay ginagamit na rin sa ibang bansa.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong 1.12 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac donation ng China at AstraZeneca ng COVAX Facility.

Facebook Comments